Monday, August 31, 2009

Kabataan

Kabataan pag-asa nga ba ng bayan?
Isa lamang yang tanong sa panahon natin ngayon.
Ako bilang isang kabataan ginagawa ko ang aking tungkulin upang makatulong sa ating bayan. Ngunit sa panahon natin ngayon bihira na ang kabataang may layunin at pangarap para sa ating bayan. Kung ating pagmamasdan ang mga kabataan ngayon mapapailing ka na lang sa iyong matutunghayan. Mga kabataanang walang pangarap sa buhay na sinisira ang kanilang kinabukasan ng dahil lamang sa masamang barkada tulad na lamang ng pagsali sa prat,pag-inom ng alak at paggamit ng droga at kung anu ano pa. Kung lahat ng kabataan ay katulad nila na walang pangarap at sariling kaligayahan lamang ang hangad hindi na natin masasabi na ang kabataan ay pag-asa ng ating bayan. Kaya kung kayo ay naliligaw ng landas hanggat maaga ay ating ituwid ito upang sa ganon ay makamtan natin ang tunay na kaligayahan at hindi pawang pagpapanggap lamang.
akda ni:Mary Grace C. Caballes

1 comment:

  1. panimula pa lamang ang nagawa mo!nasaan ang katawan at konkluyon?bilang iang kabataan paano mo mababago ang tingin ng mga tao sa tulad nating mga kabataan?anong gagawin natin para mabago ang ganitong tingin sa mga kabataang ito?bb.grace

    ReplyDelete