Monday, August 31, 2009

Tayo pa ba?

Mayroon ba o sadyang wala lang talaga?
Sa mga panahon ngayon marami tayong nakikitang mga likong gawain;katiwalian sa pamahalaan,kakulangan sa pagkakaisa,mababang kalidad ng edukasyon,maling paggamit ng kalikasan,magulong buhay...at marami pa ba?Minsan naitatanong ko lamang "m......?"
Nang nakalipas na araw ay naging mapanuri ako sa mga bagay,naalala ko noon ang sinasabi sa akin nana lola kung gaano kalaki ang pagkakaiba ng eksena noon kaysa sa kasalukuyan.Di ba't payuloy ang pagtaas ngayon ng bilang ng mga nagkakasakit,ng presyo ng bilihin,pagtaas ng poppulasyon,pagtaas ng kaalaman ng tao!di ba ito rin ang isa sa mga dahilan ng mga "PAGTAAS."Sa kabila noo'y di rin naman natin maikakaila na may kontribusyon ito sa pag unlad ng isang bayan.Sana nga lang maging daan rin ito pagkakaroon natin ng isang bukas...Tama nga naman si Santino,may bukas pa.Hiling ko sana maging maliwanag sana ang sinasabing bukas na iyon.Wag tayong magbubulag-bulagan.Bilang kabataan wag nating ipahiya ang ating pinakamamahal na bayan,sa kayang paniniwala sa atin.Marami tayong magagawa para sa kinabukasan,maging pag asa sana tayo ng ating bayan.Isang tanong ang nais kong iwan sa inyo...Kasama ka ba sa kabataang tinutukoy ni RIZAL?
Akda ni:Norilyn Gonzalez

No comments:

Post a Comment