Monday, August 31, 2009

Gabay at Proteksyon para sa Kabataan.

Paano nga ba mapangangalagaan ang mga kabataan?
Paano nga ba mapangangalagaan ang mga kabataan? Marami nang kabataan ang nasisira ang buhay sa maraming kadahilanan... Mga magulang na napapabayaan ang kanilang mag anak, kulang sa atensyon na naibibigay ng mga magulang,mga anak na rebelde,maling pagpili ng kaibigan,dahil sa mga ito kaya naliligaw ng landas ang mga kabataan.... Mga magulang,pamahalaan hanggang kailan nyo ipagpapatuloy ang pag sawalang bahala sa kahalagahan ng mga kabataan sa ating lipunan. Ang kabataan ang pag-asa ng bayan na makakapagpabago ng ikot na mundo sa ating bansa. Nangangailangan sila ng Gabay at Proteksyon galing mula sa inyo, "GABAY"ng isang mapagmahal na magulang na magbibigay kaalaman,disiplina at kahalagahan ng kabataan sa lipunan. "PROTEKSYON"ng isang pamahalaan upang malayo sa masasamang tao,masamang barkada,masamang bisyo at masamang gawain ng mga kabataang napabayaan. Mga Magulang,Pamahalaan at higit sa lahat mga kabataan,Lahat tayo!magkaroon tayo ng pagkakaisa,malawak na unawaan at pagpapahalaga sa bawat isa na matatawag nating"ISANG KABATAANG MAY MAGAGAWA,KABATAANG MAY HALAGA,at HIGIT SA LAHAT KABATAANG MAKAKAPAGPABAGO NG MALING TAKBO,GAWI NG ATING LIPUNANG GINAGALAWAN."
akda ni; Angela Zantua

No comments:

Post a Comment