Monday, August 31, 2009

Kabataan salamin ng kabansaan

Tayong mga kabataan ang salamin ng kabansaan. Kabataan supling tayo ng lahing pilipino. Isang lahing magiting,marangal at masipag. Paano ba tayo magiging karapat dapat sa mga katangioang taglay?
Nakasalalay sa ating mga kamay ang maningning na kinabukasan ng ating bansa. Kailangan nating maging handa sa pangangailangan ng ating bayan sapagkat dahil may mahalaga tayong pananagutan dito. Hindi imposible na magawa natin ito sa pamamagitan ng paglilingkod na may kalakip na kasipagan,katapatan at sariling kapangakuan.
Patunayan natin na tayo ang bagong kabataang pilipino na kusang gumagawa at nabubuhay ng marangal at may angking talino sa pagtatanggol sa sariling karapatan.
akda ni: Kimberly Delos Reyes

2 comments:

  1. panimula lamang ito..wala pang katawan at konklusyon..asan kaya?bb.grace

    ReplyDelete
  2. Pwde po bha Hiramin po Ito may talumpati po Kasi kami...

    ReplyDelete