Monday, August 31, 2009

Paano Makakamit ang Kapayapaan?

Paano nga ba makakamit ang kapayapaan? Paano? Mga bomba, armas, korapsyon, krimen, uhaw, dugo.. Pangalanan mo mayroon nito ang mundo. Bansa laban sa bansa. Estado laban sa simbahan, Gobyerno laban sa mga militar. At militar laban sa mga inosenteng sibilyan na napapagitnaan. Mga nagkalat na baril, mga nakakabinging tunog at ingay na ang humalo sa hangin. At pagkatapos, KATAHIMIKAN..
Meron pa bang paraan upang makalabas?
Sa isang iglap, ang buhay natin ay wala nang kasiguraduhan, ang mga kabataan at ating mga anak ay mayroon ng madilim na kinabukasan. Ang lahat ay tila dumidilim. Pero kahit ganon, ang lahat ay naghahanap parin sa salitang-- PAG-ASA. Kahit ang iba ay sinasabing para saan pa ang pag-asa? Pero, hindi natin dapat bitawan sa atin mga kamay, sa ating buhay ang pag-asa. Hindi ito tanong n ating pagkakaiba-iba, hindi rin ng ating pagkakamali bagkus ay ang prinsipyo natin na makayanan natin itng solusyonan at matapos sana sa sinasabing KAPAYAPAAN...
akda ni: Ma. Ariane T. Lugada

No comments:

Post a Comment