Monday, August 31, 2009

Ano nga ba ang mas Mahalaga?

Kagandahan ito nga ba ang batayan ng ating pagkatao? Marami ang tumitingin sa panlabas na anyo ngunit di nila batid ang laman ng puso. Ako ay babae rin gustong gumanda hangaan at ipagmalaki rin naman. Pangarap ko ang maging sikat, maging tanyag pero ito nga ba ang basehan upang ako ay lumigaya?
Nakakalungkot sa ganitong saloobin, kaya naman nalaman ko na ang pagiging kuntento ang susi sa tunay na kaligayahan hindi sa paghahangad na maging myaman, maging tanyag o maging maganda. Mahal ko ang sarili ko, gusto ko ang meroin ko at inaasam ko na maging kuntento rin kayo.
Masayang mabuhay, masarap kasama ang ating mga mahal kaya samantalahin ang pagkakataon hindi sa mga ilusyon kundi sa  tunay na kahulugan ng buhay.
akda ni: Diane Arizala

Edukasyon:para sa kinabukasan

Gaano nga ba kahalaga ang edukasyon? at ano nga ba ang kaugnayan nito sa ating kinabukasan? Maaaring ngayon di mo pa lubos na naiisip .Bilang isang mag-aaral ano nga ba ang iyong pananaw.
Madalas sinasabing ang edukasyon ang daan patungo sa kaunlaran. Tama! totoo iyan! kahit mahirap kung sasamahan naman ng sikap tiyak iyong makakaya. Marami dyan gustong mag-aral subalit wala naman pangtustos ang mga magulang. Pero ikaw! kayo! Andyan kayo sa paaralan. Pinag-aaral! Iginagapang ng mga magulang mapaf-aral lang at mabigyan ng magandang kinabukasan.
Alam nyo bang napaka halaga talaga ng edukasyon sa ating buhay.Dahil dito natuo tayong sumulat, at bumasa.Magpasalamat tayo at hindi tayo kabilang sa mga mangmang na nabubuhay sa ating digdig. Ang mga Guro na nagpoporsige para tayo'y matuto, Pahalagahan natin! makinig tayo! at buksan ang isipan dahil ito'y para din sayo.
Kung ang bawat isa sa ating ma mamamayan ay mayroong edukasyon siguradong uunlad ang ating bayan.Magkakaroon ng mga magagandang oportunidad at trabaho ang bawat tao, wala ng magugutom! wala ng maghihirap! Ngunit sa reywlidad anong nangyayari sa ngayon? Naghihirap ang ating bansa,at madalang ang nakakapag tapos ng pag-aaral.Kaya pagbutihin ng mga estyudyaneng nakakapag-aral , Imulat ang mga mata! dahil ito ay para din sa ating ikauunlad. Magsikap! Tandaan! Edukasyon:paera sa kinabukasan".
Akda ni: Roselyn L. Guico

TALUMPATI PARA SA MAHIHIRAP

isa sa malaking pinoproblema ng bansa ay ang "kahirpan." Higit nga raw na makapangyarihan amg mayayaman kaysa mahirap ,mas paghihinalaang kriminal ang mahirap kaysa mayaman
matagal mangyaring mahirap ay aahon sa kahirapan.ngunit mas matagal mangyaring mayaman ay lulubog sa kahirapan.Ang mayayamang tao ang gumagamit sa pera ,ngunit sa ibang taong naghihirap,sila na ang ginagamit ng pera.
Nakalulungkot isiping mas gugustuhin pa ng taong naghihirap ang mamatay ng di namamalayan kaysa mamatay sa gutom ng nahihirapan. Mas may posibilidad pa raw na manalo ang mayaman sa kaso,dahil ang mahirap ay walang kapangyarikan at di mapagkakatiwalaan kahit walang kasalanan,nakakaawang mga namumuhay lamang.Masuwerte na ang taong kumakain ng tatlong beses sa isang araw.Maraming taong walang permanenteng trabaho at hindi matanggap sa trabaho,dahil hindi nakatapos ng pag-aaral.Karamihan sa naghihirap ay walang makain at hindi makatuntong ng paaralan kaya't umaasa sa salitang "may pera sa basura"o sa marahas na paraang kumapit sa patalim.
Kaya't ating isipin ang kalagayan ng ating kapwa,masuwerte na tayo kung 'di tayo naghihirap,kaya't paalalasa kabataan... pagbutihin ang pag-aaral nang 'di danasin ang kahirapan.Tayo'y maglingkod sa Bayan,tayo'y tumulong sa kababayan nang matalo ang kahirapan,upang kinabukasa'y umunlad ang bayan.
akda ni: Angelito L.Moreno

WIKA

Maluwalhating umaga sa Inyo mga kapwa Pilipino, Purihin si Hesus at si Maria!
Wikang Filipino, wika ng bawat Pilipino. Ikaw, ako, tayo.. iisa. Sa mundong pilit kang binabago, may nananatili pa nga bang matatag? Tila marahil sa pagdaan ng panahon tayo ata ay nakalilimot ng lumingon sa ating pinanggalingan, nakatikim lang ng Hershey’s chocolate, nakalimutan na ang Chocnut, nakapagsuot lang ng sa Rusty Lopez, nalimutan na ang sapatos na gawang Marikina, at nakapunta lang ng ibang bansa, tila ayaw ng umuwi at kinamumuhian na ang sariling bansa, natuto lang mag ingles, hindi na marunong mag Filipino. Tama, nakalulungkot mang isipin ngaunit iyon ang katotohanan,katotohanang dapat natin harapin at pagtuunan pansin, kung minsan nga’ y nahihiya pa natin mag Filipino kaya nga’t kahit mali ang grammar at nagbubuhol-buhol na ang dila pinipilit parin mag ingles.
Mahabang kasaysayan ang pagkakaroon ng wikang pambansa sa Pilipinas - ang Pilipino na nagmula sa Tagalog na pagkaraa’y naging Filipino.
Ating muling sariwain ang pinagmulan ng wikang Filipino.sa bayan ng Baler, Quezon sumibol ang amang naging instrumento upang magkaroon tayo ng sariling wika, siya ay si Manuel L. Quezon, dating pangulo ng Pilipinas, tinaguriang Ama ng wikang Pambansa.
Nang itatag ang Komonwelt, nagkaroon ng malaking hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang wikang pambansa. Noong Disyembre 30, 1937, inihayag ni Pangulong Quezon na ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Tagalog at nang naglaon ay naging Pilipino sa ilalim ng Kautusang pang edukasyon Blg 7.
Ang wika ay isang mahalagang aspeto ng bawat kultura. Kasangkapang ginagamit ng lahat ng antas ng tao sa lipunang kinagagalawan. Isang indikasyon na ikaĆ½ isang tunay na Pilipino.
Tunay ngang masasabing kayamanan ang pagkakaroon ng sariling wika, Ang wikang Filipino ang ginagamit natin tungo sa pambansang kaunlaran. Wikang ating kasangkapan sa pagkakaunawaan at pagkakaisa ng mga mamamayang Pilipino saan mang panig ng Pilipinas.
Talaga ngang wala ng ibang magmamahal sa Wikang Filipino, kundi tayo ring mga Pilipino, kaya’t halina’t pagyabungin natin ang isa sa mga pinaka-iingatang yaman ng ating bansa Ang wikang Filipino. Wika Mo, Wika ko, at Wikang nating Lahat.
Maraming Salamat sa inyong pagbasa at naway mamutawi sa ating mga puso ang pagiging tunay na mamamayan ng bansang Pilipinas. Muli, Maraming Salamat.
Akda ni:Grandeson Puma

Kalikasan:Pangalagaan at Ingatan

Paano nga ba mapangangalagaan ang kalikasan? at Paano ito mas mapagyayaman? Isang napakalaking katanungan.
Kung kalikasan lamang ang pag-uusapan tiyak hindi tayo madedehado. Sapagkat madame tayong mga maipag mamalaking mga magagandang tanawin. ngunit sapat na ba ito? hindi bat dapat ay Pangalagaan natin ito at pagyamanin? Dahil ang iba walang pakialam! mga abusado! at sinisira ang kalikasan!. tulad na lamang sa ating kagubatan, pumuputol sila ng sangkatutak na kahoy na di naman pinapalitan,at sa ating yamang tubig, halimbawa na lamang na ilog pasig. na dati;y kulay berde ngayon ay itim na! napakadumi. ngayon, matatawag pa bang kalikasan?
Maari naman natin pangalagaan ang ating kalikasan kahit sa simpleng paraan lamang, Itapon ang basdura sa basurahan at kung puputol na puno ay agad palitan. Mayroon naman tayong makakatuwang. Ito ay ang DENR o Department of Environment and Natural Resources na isang ahensya ng pamahalaan na itinalaga upang pangalagaan ang ating kalikasan.
Alam ba ninyong ang kalikasan ang pangunahing pinagkukunan ng ating mga pangangailangan,Kaya nararapat lamang na ito'y ating suklian.Hindi bat kaysarap manirahan sa isang kapaligirang mayroong kalikasan? kaya kilos! ako mismo, ikaw mismo! ma magagawa...... "Kalikasan:Pangalagaan at Ingatan".
Akda ni: Rachel Alarcon

JOSE P. LAUREL: Pamana ng lahi

Sa isang panahong ang lahi ay may lambong ng dilim, dumating siyang liwanag ng bukas. Sa isang panahong nagkalat ang mga bangkay, lugami ang lahi sa kuko ng isang digmaang hindi natin kagagawan, dumatal siyang mapagkalingag puno.
Sa isang panahong ang lahi'y walang tinig, siya'y naging tinig ng pambansang diwa sa lungsod, patag, bundok at dagat.
Jose P. Laurel: haligi ng bansa, mapagkalingang guro, tinig ng batas at hukuman, makabayang diwa at gabay ng katotohnan para sa Pilipino at para sa sangkatauhan.Buhay sa kanya ang diwa ngkilusang propaganda, ang moog ng katipunan at ang simulain ng pagtayo para sa kalayaan na pamana ng mga bayani ng lahi. Tayo'y naging lahi ng pagiging kayumangging kanluanin, isang pilipinong dinidiyos ang anumang dayo at dinudusta ang sarili.
Sa pagiging matibay na haligi ng bansa ,ipinaglaban niya ang pagbabanyuhay ng pag-kapilipino.Masdan ang ating panahon sa Inang -Bayan. Bulkang sumasabog, bagyong nananalanta, lindol na nagwawasak, baha na lumulunod, tagtuyot na nagpapahirap. welga at kudeta, karahasan at kriminalidad.
Tangig pag-ibig sa tinubuang lupa, pananalig sa diyos at sarili, pagkakapit bisig ng buong bayan na diwang pamana ni JOSE P. LAUREL ang dapat na lunday.Ito ang pamana ng lahing walang kamatayan, mananatiling liwanag, magiging gabay na tinig, landas at lakas ng buhay, sandatang gagamitin ng lahi para sa isang bukas na malaya at matatag.
Patnubayan tayo ng maykapal.
akda ni: Kristel Balayong

Malinis Na Halalan

Sa simula pa lamang, lahat tayo'y naghahangad ng malinis at matiwasay na halalan, naghahangad tayo upang ihalal ang karapat-dapat sa nasabing posisyon. Sino ba ang dapat nating ihalal? Ano bang mga batayan, katangian, at tamang hangarin sa pagpili nito?
Sa ganitong usapin, hindi pa rin maiiwasan ang katiwalian dahil sa matinding pagnanasa o pag aasam sa pinaka mataas na posisyon, dahil dito hindi natin maiiwasan ang raly at ibat-iba pang kaguluhan sa harap ng malacanang dahil sa bayad' na paghahalal . Kailangan bang ipilit natin ihalal ang maling tao, kung mismo tayo alam naten hindi iyon magagampanan nang tama?
Huwag tayong matakot at magpaladala sa kinang nang salaping itatapal sa atin upang bilhin ang ating boto, dahil iyon ay sentimo lamang kaysa sa milyon - milyong perang makukurakot nila sa kaban nang ating bansa
Hindi ba kay sarap isipin na mas maiiwasan natin ang kahirapan kung mag hahalal tayo nang tama? Ang taong alam nating kayang gampanan ang mga responsibilidad na kanilang haharapin kapag sila na ang naihalal. Tayong lahat na mga botante ang mas may kapangyarihan kaysa sa kanila dahil sa atin mag mumula ang botong inaasam- asam nila. Huwag tayong mag bingi- bingihan at mag bulag - bulagan sa katotohanan. Ika nga" Vote wisely" po tayo nmga kababayan ko.
Ako bilang isang kabataan na uhaw sa isang tama at malinis na halalan sa ating bansa ay nag nanais at boboto nang tama, tutulong sa abot nang aking makakaya upang mag karoon nang silbi sa ating lipunan.
Kaya't tayo'y magtulungan sa darating na halalan.

AKDA NI:
JANE ROSE C. BRAVO

Kabataan

Kabataan pag-asa nga ba ng bayan?
Isa lamang yang tanong sa panahon natin ngayon.
Ako bilang isang kabataan ginagawa ko ang aking tungkulin upang makatulong sa ating bayan. Ngunit sa panahon natin ngayon bihira na ang kabataang may layunin at pangarap para sa ating bayan. Kung ating pagmamasdan ang mga kabataan ngayon mapapailing ka na lang sa iyong matutunghayan. Mga kabataanang walang pangarap sa buhay na sinisira ang kanilang kinabukasan ng dahil lamang sa masamang barkada tulad na lamang ng pagsali sa prat,pag-inom ng alak at paggamit ng droga at kung anu ano pa. Kung lahat ng kabataan ay katulad nila na walang pangarap at sariling kaligayahan lamang ang hangad hindi na natin masasabi na ang kabataan ay pag-asa ng ating bayan. Kaya kung kayo ay naliligaw ng landas hanggat maaga ay ating ituwid ito upang sa ganon ay makamtan natin ang tunay na kaligayahan at hindi pawang pagpapanggap lamang.
akda ni:Mary Grace C. Caballes

Ang Kalikasan

Ang kalikasan ay itinuturing natin na bigay ng panginoon, na dapt na alagaan at pagyamananin. Dahil sa mga mabubuting bagay na naidudulot at ibinibigay nito, dapat natin itong pangalagaan para din sa ikaliligtas ng sanlibutan. Dahil sa dami ng sakit ng kalikasan, Dahilan ng maraming toxic waste na itinatapon ng mga tao: Tulad ng kemikal na galing sa mga pabrika na dumadaloy na agad o ang bagsak na nito ay sa mga dagat at tulad din ng mga pabrika na sobra-sobra sa usok.Di ba nila naiisip na ang ating ozone layer ay napakanipis na at sirang sira na. kaya naman dumarami na ang sakit ng kalikasan. Kung mapapansin natin ang ang panahon at paligid ngayon at noon, Tignan ninyo ang maramin pagkakaiba sa dame na kasi ngayon ng mga HIGHTECH na bagay na nakakasira sa paligid. Tulad ng vehicles na sobra-sobra ang inilalabas na usok . at ang dinamitang ginagamit sa pangingisda na hindi nila namamalayan na nasisira nila ang mga coral reefs sa ilalim ng dagat.Kaya gumagante ang kalikasan, ito ay ang pagdudulot nya sa atin ng kalamidad , kaya sana ay pansinin na ito ng mga tao para di na masira ang mundo at para sa susunod na mga henerasyon maging maayos na ang kapaligiran para makita nila ang tunay na ganda ng kalikasan.
Akda ni: Roshel Caranza

Inang Kalikasan

Sa paglipas ng panahon patuloy na nagbabago ang ating kalikasan unti unti itong nasisira at patuloy na naiiba. Ang patuloy na pagputol ng mga puno sa mga kagubatan at kabundukan ay nagdudulot ng masama sa mga hayop na naninirahan doon nawawalan sila ng tahanan. Patuloy rin ang pangangaso ng mga hayop pinapatay at ipinagbebenta, ang mga ilog at karagatan ay unti unting nasisira at namamatay. Dahil sa pagtatapon ng mga basura at mga nakalalasong kemikal. Namamatay ang mga isda, corals, at iba pang nabubuhay sa ilalim ng karagatan. Ang patuloy na pagdami ng mga sasakyan, at patuloy na paggawa ng makabagong kagamitan ay mabilis na naaapektuhan ang kalikasan. Dahil sa mga ito nagkakaroon ng climate change dehil sa global warming na nagdudulot ng abnormalidad sa ating panahon mainit ngunit biglang uulan."Kaya dapat natin pangalagaan at pag ingatan ang ating inang kalikasan para sa susunod pang henerasyon ng tao at dapat tayong mga tao ang gumawa ng paraan kung paano natin mabubuo at maaayos ang ating sinira"
akda ni:Sheena Catindig

Hagupit ng kalikasan

Sa panahon ngayon nararanasan na natin ang pabago-bagong panahon. Sisikat ang araw na nagdadala ng matinding init, at sang saglit ay biglang bubuhos ang malakas na ulan. Unti-unti na nating nararanasan ang tinatawag na ''GLOBAL WARMING''. ito rin ang nagdadala sa atin ng matinding sakit. Pero paano ba natin ito mapipigilan? Patuloy na lamang bang mararanasan ang mga ganitong kalamidad? Sa wari koy may pag-asa pa rin tayong matatamo.
Kung sisimulan nating mga kabataan ang pagsasaayos ng kapaligiran, siguradong matatamasa natin ang kagihawahan sa ating sangkalupaan. Kaya ikaw kapwa kong kamag aaral mahalin natin at alagaan ang ating kapaligiran, nang susunod pang henerasyon ay mapakinabangan.
akda ni: Joan Cordon

ANG BUHAY NG TAO

"HABANG BUHAY MAY PAG-ASA" Isa lamang itong maikling inspirasyon na humahamon sa buhay ng isang tao, inspirasyon kapag ang tao ay nasasadlak,sa buhay na alam nilang wala ng patutunguhan, sa buhay na napariwara at nalihis ng landas, na kahit naiisip nila na wala na silang patutunguhan at pag asa-,ay sa huli maiisip at maiisip pa rin nila ang salitang ito....'HABANG BUHAY MAY PAG-ASA.
Ang buhay ay masaya ngunit kung minsan dumadating din ang mga kalungkutan at problema,na sadyang humahamon sa takbo ng ating buhay.
Ang buhay ay puno ng pag-asa,kung titingin ka sa lahat ng posibilidad at hind sa salungat na paraan.
Ang buhay ay mahalaga na dapat pahalagahan.
Ang buhay ay malaya,na pwede kang dalhin sa anumang daloy ng agos o takbo ng panahon.
Yan ang buhay isang masayang buhay..'HABANG BUHAY MAY PAG-ASA'
Akda ni; Diana C. dela Cueva

Maibabalik pa ba?

"Ang mga puno't halaman bakit kailangang lumipas."Yan ang isang linya sa aking paboritong kanta.Bakit nga ba lumilipas ang magagandang tanawing ito?Kung tayo'y babaklik sa nakaraan,ano ba ang ating makikita?Oo,isang magandang daigdig na puno ng maliligayang tao.
Ang mga puno sa tabi ay hitik sa bunga,ang tubig sa balon ay naiinom,kaysarap langhapin ang sariwang hangin,kaysarap mabuhay noon...Pero ano na nga ba talaga ang kalagayan ng inang kalikasan?Nakalulungkot maraming tao ang umaabuso sa ating kalikasan.Wala silang pakundangang pumuputol ng puno,nagtatapon ng basura sa ilog,mga usok ng mga pabrika pati ang ozone layer ay sira na rin at nagpangyari sa global warming!Ano ang nangyayaring ito?Tunay na napahamak na ang daigdig.Sino ang salarin?Sino ang dapat sisihin?Itanong mo sa iyong sarili at ikaw ang nakakaalam,Miski sa mga simleng paraan pwede kang tumulong para maiwasan ang pagkasira ng ating planeta,May magagawa ka,ikaw mismo!Alam ko na inaasam nyo rin naging paraiso ang lupang ito,oo tunay na ganito ang gusto ng ating Maylalang.
Akda ni:Pearly de Leon

Kabataan salamin ng kabansaan

Tayong mga kabataan ang salamin ng kabansaan. Kabataan supling tayo ng lahing pilipino. Isang lahing magiting,marangal at masipag. Paano ba tayo magiging karapat dapat sa mga katangioang taglay?
Nakasalalay sa ating mga kamay ang maningning na kinabukasan ng ating bansa. Kailangan nating maging handa sa pangangailangan ng ating bayan sapagkat dahil may mahalaga tayong pananagutan dito. Hindi imposible na magawa natin ito sa pamamagitan ng paglilingkod na may kalakip na kasipagan,katapatan at sariling kapangakuan.
Patunayan natin na tayo ang bagong kabataang pilipino na kusang gumagawa at nabubuhay ng marangal at may angking talino sa pagtatanggol sa sariling karapatan.
akda ni: Kimberly Delos Reyes

PAGSUBOK

Noong isilang ako sa mundong ito,tinuruan ako ng aking magulang kung paano makisalamuha sa mga tao. Natuto din ako na makaharap sa mga pagsubok na dumating sa aking buhay.
At nandyan si Nanay at Tatay na handang tumulong sa bawat pagsubok at mga problema na dumadating din sa akin,sila din ang nag turo,kung paano labanan at palakasin ang aking loob.
Ngayon na nag-aaral ako,pipilitin kung makatapos at maipakita sa kanila na ang pagtitiwala nila sa akin na nawala ay maibalik ko para sa kanila at sa aking butihing anak. Ang aking mapapayo na lamang kung ika'y madadapa pilitin mong bumangon na muling ipakita na ang buhay ay sadyang biro.
Akda ni; Adholeth Ebarvia

Buhay, dapat bang pahalagahan?

Buhay? ano ba ang halaga ng buhay sa bawat kabataang tulad ko?
Isa ka bang kabataan na sinisira ang buhay o iasa ka sa katulad kong nagpapahalaga sa buhay, kung isa ka sa kabataan sinisira ang buhay, tama ba na ikaw ang binigyan ng buhay ng Diyos?
Ang buhay na walang kwenta sayo, dapat sana'y nasa taong may pagpapahalaga dito. Dahil kung nasa iyo ito na walang pagpapahalaga dito, ito ay mawawalan ng saysay.
Mga kapwa ko kabataan, dahil hawak natin ang ating buhay, gamitin natin ito sa magandang paraan upang magkaroon ng halaga at saysay ang buhay na pinagkaloob sa atin ng Diyos.
Ating tandaan, Hiram lang ang buhay, kung hindi natin ito bibigyang halaga at iingatan, mawawalan ito ng saysay.
Kaya mga mahal kong kabataan, mahalin natin ang ating buhay na siyang magdadala sa rurok ng tagumpay........
akda ni:Jaileen Estrada

AMA

Ano ba ang kahulugan ng AMA para sa kabataang tulad ko? Amang masasandalan sa lahat ng problema? Amang nagtatangol kapag nasasaktan ang anak? O, amang kinamumuhian dahil sa pagiging mahigpit at madisiplina.
Mga minamahal kong kabataan, nais kong ipahatid sa inyo na ang lahat ng ginagawa ng ating ama ay para sa kanyang minamahal ng anak.
Ang ama bagamat mhigpit ay hindi ibig sabihin na hndi nila tyo binibigyan ng pagkakataon upang magpasya sa ating sarili. Ang panahon ng kabataan ay sadyang mapusok at maramdamin. Kung walang amag gagabay sa knyang anak, maaring maligaw tao ng landas.
Kaya mga kapwa ko kabataan, unawain at sundin ang payo ng ating ama upang sa bandang huliay hindi tayo magsisi.
May kasabihan tayo ang pag-sisi ay laging nasa huli.....
akda ni:Janice Fesalbon

KORUPSYON

Korupsyon, gaano na ba ito kalala?.... Maitututring ba itong sakit ng lipunan o distraksyon sa mga mamamayan...?
Korupsyon, hindi lang nakakaapekto, nakakasira pa ito ng buhay ng tao.
Mga kaibigan, may magagawa tayo upang sugpuin ang sakit ng lipunang ito. Sa tulong ng bawat isa sa atin ay magagamot at mapapawi ang sakit na naidudulot nito sa bawat isa.....
Ang kailangan lang ay mag-kaisa at magtulungan para sa ikauunlad ng bayan. Nasa mga kamay natin ang solusyon sa problemang ito.
Kayo, kayong nagbibigay ng sakit ng lipunan, hindi ba kayo nakokonsensya? Hindi ba kayo nag-aalala, na bukas makalawa ay biktima na ng ganitong sakit ang inyong mga mahal sa buhay? Bakit hindi ninyo na ang gagawin nating pagkakaisa ay para sa ikagagagnda ng ating mga kababayan at kapamilya.
Mag-kaisa tayo! Sugpuin ang korupsyon!!!
akda ni: Maricris Gabia

Tayo pa ba?

Mayroon ba o sadyang wala lang talaga?
Sa mga panahon ngayon marami tayong nakikitang mga likong gawain;katiwalian sa pamahalaan,kakulangan sa pagkakaisa,mababang kalidad ng edukasyon,maling paggamit ng kalikasan,magulong buhay...at marami pa ba?Minsan naitatanong ko lamang "m......?"
Nang nakalipas na araw ay naging mapanuri ako sa mga bagay,naalala ko noon ang sinasabi sa akin nana lola kung gaano kalaki ang pagkakaiba ng eksena noon kaysa sa kasalukuyan.Di ba't payuloy ang pagtaas ngayon ng bilang ng mga nagkakasakit,ng presyo ng bilihin,pagtaas ng poppulasyon,pagtaas ng kaalaman ng tao!di ba ito rin ang isa sa mga dahilan ng mga "PAGTAAS."Sa kabila noo'y di rin naman natin maikakaila na may kontribusyon ito sa pag unlad ng isang bayan.Sana nga lang maging daan rin ito pagkakaroon natin ng isang bukas...Tama nga naman si Santino,may bukas pa.Hiling ko sana maging maliwanag sana ang sinasabing bukas na iyon.Wag tayong magbubulag-bulagan.Bilang kabataan wag nating ipahiya ang ating pinakamamahal na bayan,sa kayang paniniwala sa atin.Marami tayong magagawa para sa kinabukasan,maging pag asa sana tayo ng ating bayan.Isang tanong ang nais kong iwan sa inyo...Kasama ka ba sa kabataang tinutukoy ni RIZAL?
Akda ni:Norilyn Gonzalez

Ang buhay ng kolehiyo

Sadyang napakahirap ang maging isang estudyante. Oo nga naman isa akong magaaral na nais makatapos upang makatulong sa aking mga magulang at maabot ang aking mga pangarap. Ngunit hindi pala ganoon kadali mag aral ngkolehiyo. At napakalaking kaibahan pala ang maging isang kolehiyo sa elementarya at sekondarya. At napakahalaga talagang makatapos ngkolehiyo dahil ito angpundasyon natin upangmakamit natin ang ating mga pangarap. Ngunit hindi ko naman sinasabi na ang mga hindi nakatapos ng kolehiyo ay hindi na maabot ang kanilang mga pangarap syempre meron naman talagang sadyang masisikap at matiyaga upang maabot ang kanilang mgaapangarap. At sakolehiyo hindi na pwedeng pa easyeasy lang dahil angkapalit ng pag easyeasy natin ay ang dugo't pawisna pinaghirapan ng ating mga magulang upang tayo'ymapagaral nila ng kolehiyo. At sa kolehiyo mga bagong kaibigan makikilala at maraming mga taong makakasalamuha na magiging bahagi ng ating buhay. At ito ang pundasyon natin sa ating hinaharap.
akda ni: Mary Grace Ilagan

Sariling Wika_Ang Filipino

"Tayo 'y mga Pinoy tayo 'y hindi Kano...huwag kang mahihiya kung ang ilong mo ay..."
Isang linya lamang ito sa awitin na halimbawa ng pagkamakabayan. pero sa awit lang ba natin maipapahayag at maipapakita na mahal natin ang sariling bansa? Syempre hindi,napakadaming bagay at paraan diba?
Noong buwan ng Agosto pinagdiwag natin ang buwan ng pambansang wika sa temang"Ang Wikang Filipino mula Baler at Buong Pilipinas"napaka laking bagay para sa lahat ang magkaroon ng wikang pambansa,dahil ito ang pangunahing gamit nating mga pilipino sa arawaraw na ating pakikipagkomunikasyon. Isapa madali makakausap at maiintindihan ang ating mga kababayan dahil sa wikang ito.
Ngunit hindi lamang ngayong Agosto natin dapat isaalang-alang ang paggamit ng sariling wika? Nararapat lamang na sa araw--araw na tayo'y nabubuhay ay pahalagahan natin ang ating wika.
Ayon nga kay Dr.Jose Rizal, "Ang di magmahal sa sariling wika ay higit pa sa malansang isda." Mahalin,pahalagahan at pagyamanin pa natin ang sariling wika_Ang Wikang Filipino...
AKDA ni:Bb.ARRIANE R. LLARENA

Lahing Pinoy

“Mga kababayan ko,dapat na malaman nyo bilib ako sa kulay ko,ako ay Pilipino”.Linya sa kanta ng yumaong si Francis Magalona.
“Ipagmalaki mong Pinoy ako Pinoy tayo”.Ng Orange and Lemons na pawang mga Pilipino at tunay na Pinoy. Ilan lang yan sa mga pinasikat na kanta ng ating mga kababayan na tunay namang ipinagmamalaki ang kanilang pagiging puro at dugong Pinoy.
Maraming dahilan kung bakit natin dapat ipagmalaki ang ating lahi.Marami tayong kayang gawin na hindi kaya ng iba,mayroon din tayong kagandahan ng loob na wala din,at higit sa lahat ang pagkakaroon ng magagandang likas na yaman na tayo lamang ang meron.
Ingatan natin ang ating likas na yaman ng lalo itong hangaan ng marami. Ang pagtangkilik sa sariling atin ay dapat natig isagawa.Ng sa gayon,umunlad ang bansang Pilipinas ng mga tunay at masasabi mong Pinoy!.
akda ni: Ariane Latoza

Paano Makakamit ang Kapayapaan?

Paano nga ba makakamit ang kapayapaan? Paano? Mga bomba, armas, korapsyon, krimen, uhaw, dugo.. Pangalanan mo mayroon nito ang mundo. Bansa laban sa bansa. Estado laban sa simbahan, Gobyerno laban sa mga militar. At militar laban sa mga inosenteng sibilyan na napapagitnaan. Mga nagkalat na baril, mga nakakabinging tunog at ingay na ang humalo sa hangin. At pagkatapos, KATAHIMIKAN..
Meron pa bang paraan upang makalabas?
Sa isang iglap, ang buhay natin ay wala nang kasiguraduhan, ang mga kabataan at ating mga anak ay mayroon ng madilim na kinabukasan. Ang lahat ay tila dumidilim. Pero kahit ganon, ang lahat ay naghahanap parin sa salitang-- PAG-ASA. Kahit ang iba ay sinasabing para saan pa ang pag-asa? Pero, hindi natin dapat bitawan sa atin mga kamay, sa ating buhay ang pag-asa. Hindi ito tanong n ating pagkakaiba-iba, hindi rin ng ating pagkakamali bagkus ay ang prinsipyo natin na makayanan natin itng solusyonan at matapos sana sa sinasabing KAPAYAPAAN...
akda ni: Ma. Ariane T. Lugada

Ang barkada ko

Kaysarap alalahanin ng mga nakaraang dati'y naging masaya.Mga tawananng parang walang bukas.Mga kwentuhanng parang walang katapusan.Mga gimik na kala moy di na magkikita.Sa apat na taon na tayo'y magkasama-sama.Maraming alaala ang sa akin ay sariwang sariwa pa.Mga di paawat na lokohan na sa akin ay nagdudulot ng sobrang kasiyahan.Sa mga tawa nyo lang ako'y masaya na.
Kahit na minsa'y di may pagkakaunawaan,di man ganun kabilis nalulutas ay buo pa rin.Maraming problema ang mga lalong dumaan may umalis sa barkada at nagkagalit-galit pero sa muli ang pagmamahal sa kapwa sa ang nangingibabaw kung kaya hanggang ngayon ang barkada ay buo pa rin.
Kahit na ngayong kolehiyo na ay sama-sama pa rin kami.May napalayo pero nagkikita kita pa rin.Ang ga trip ay walang pagbabago,may mga toyo pa rin kapag kami'y nagsama-sama na.Mga kaibigan ko,kayo lang ang barkada ko kahit tayo ay makakalayo.
akda ni:Jenneca Madera

Tama bang ang kabataan ang Pag-asa ng Bayan?

Isa lang itong pagtatanong, Tama bang ang kabataan ang PAG-ASA ng BAYAN?
Mga kaibigan, at kapwa ko kabataan, tama nga ba na tayo ang pag-asa ng bayan?? Kung tayo ang pag-asa ng ating INANG BAYAN, bakit ngayon mukang kabataan ang problema at sakit ng lipunan.
Bakit hindi natin isipin na tayo bilang kabataan ay may pag-asang maging pag-asa ng susunod na henerasyon? Mga minamahal kong mga kaibigan may magagawa tayo upang tayo ay maging PAG-ASA ng ating INANG BAYAN. Magkaisa tayo, patunayan natin sa kanila na sa susunod na HENERASYON na ang KABATAAN ngayon ay magsisilbing pag-asa ng BAYAN sa habang panahon...
Isinulat ni: Mary Jane Mendoza

Droga:Ang Ipinagbabawal na Gamot

Ano nga ba ang droga?At ang masamang epekto nito sa tao?Ang droga,isang ipinagbabawal na gamot,na sadyang mapanganib.isipin!Droga ay di solusyon sa mga suliranin.
Ilan sa ating mga tao,ay kung ano pang ipinagbabawal ay sya pa din ang patuloy na ginagawa. Tulad ng droga, tinatawag ngang "bawal na gamot" ngunit bakit bakit patuloy pa din lumalaganap ang nasabing bawal na ito? na kung tutuusin lamang ay di dapat problemahin dahil napakadali lamang ng solusyon kung sadyang bawat isa ay mula't ang isipan, Iwasan! subalit, bakit ganon? Isa ang droga sa malalaking suliranin ng ating bansa. Ginagawan nga ng solusyon ng mga ahensya ng ating gobyerno. Ngunit, ilan buhay pa ba ang masisira?
Alam ba ninyo ang epekto ng droga? sa mga taong gumagamit nito? sinasabing kapag ito'y iyong natikman, mararating ang langit. Subalit anong kalokohang langit ang sinasabi? Sa totoo lang ay impyerno ang iyong patutunguhan, Masisira ang iyong buhay, at magiging masalimuot sa iyo ang bawat oras. Ipagpapalit mo ba ang iyong mga pangarap sa isang gamot na ipinagbabawal?
Adik!!... Iyan ang bansag sa mga taong gumagamit ng droga kabilang na din ang ilang ipinagbabawal na gamot. Tulad ng Coceine,Marihuwana,Syrup at iba pa, na sadyang napakasama ng maidudulot sa pag-iisip at kalusugan ng mga taong makikitid ang isipan na patuloy na gumagamit ng mga ipinagbabawal na gamot na ito.
Kaya nga mga kababayan, Iwasan ang salot na Droga! at iba pang ipinagbabawal na gamot. papayag pa ba tayong kumalat at magkalat ang mga adik? Tama na! Sobra na! Mga adik sukpuin na! .Droga ay lipunin na!......... "Droga: ang ipinagbabawal na gamot".
Akda ni: Michelle P. Morta

Kabataan, Pag-asa ng Bayan?

Sa panahon ngayon napakadaming kabataan ang lulong na sa bisyo. Maraming hindi nakakapag-aral dahil sa kahirapan ng buhay. Napakahirap ang buhay ngayon tapos ang kabataan nalululong sa masaang bisyo. Mga kabataan hit hit sa sigarilyo,buga ng sigarilyo at mapupulang mga mata. Paano masasabing pag-asa ng bayan ang kabataan. Paano mabibigyan ng kalutasan ang problema kung sa panahon ngayon maraming ding nakakapagtapos kaso walang mahanap ng trabaho dahil sa hindi sapat ang kanilang kaalaman.paano magkakaroon ng kaalaman ang mga kabataan kung sa panahon ngayon ang laman ng utak ay puno ng bisyo. At hindi binibigyan ng sapat na konsederasyon ang kanilang pag-aaral. Nakakaawang mga magulang na walang alam kundi itaguyod ang kinabukasan ng mga anak. Kabataan nga naman kay hirap pagsabihan.
akda ni: Arlene Ordonez

Kabataan,Isipin ang Kinabukasan

"Kabataan pag-asa ng bayan",Kasabihan na sadyang nakatatak na sa ating mga isipan. Ano nga ba ang ating kinabukasan?
Ako'y narito sa inyang harapan upang ipahayag ang nasa aking isipan. Bilang isng kabataan,Isang kabataan na minsan nang naligaw ng landas at nagkamali. Ngunit sa aking pagkaluklok sa kawalan, Napagtanto ko na mali pala ang aking ginagawa. Kaya heto ako ngayon, Nagbago! at patuloy pang nag-sisikap upang mapaganda ang aking bukas.
Marami sa mga kabataan ngayon ang sinisira ang buhay, Pinapag-aral ng mga magulang ngunit ano ang ginagawa? Ayon! Gimik don! Gimik dito!, Natuto ng mga bisyong hindi dapat: nag-iinom ng alak, naninigarilyo, at ang ibang mga babae ay sa murang edad ay nabubuntis na. Nasaan na ang tinatawag na moralidad? Di nyo ba alam na Dugo at Pawis ang puhunan ng ating mga magulang para lang tayo ay makapag-aral at mabigyan ng magandang kinabukasan.
Alam ba niyo na kung gugustuhin lamang natin ay mapapaganda natin ang ating mga hinaharap? Maging responsable. at isipan ang naghihintay na bukas. Dahil kung magiging tulog ka lamang sa katotohanan, ano pa ang naghihintay sayong bukas? Tiyak wala kang mararating.
Kaya mga kabataan, makinig! may bukas pa, subalit bakit pa hihintayin ang bukas kung pwede naman ngayon na. KKK! Katatagan, Katalinuhan,at kaayusan. Iyan ang sagot sa magandang kinabukasan. kaya ngayon pa lamang.... "Kabataan,Isipan ang kinabukasan".
Akda ni: Marily N. Pacana

"Buhay ng Highschool"

Ang buhay ko noon bilang isang highschool sa aming paaralan ng Don Manuel Rivera Memorial NAtiopnal highschool,nakilala at nakasamang mga tunay na kaibigan na nasasandalan sa bawat oras ng problema,lungkot at saya.Sa kanila naramdaman kong hindi ako nag-iisa,sila ang nagbigay lakas ng loob sa bawat pagsubok na aking nalagpasan "CORNY'' man pakinggan pero totoo kung maramdaman.May kalokohan man minsan pero sama-sama pag nagkahulihan sa bawat sermon ng goro na aming pinakikinggan.Damayan rin pag may nasaktan sa pagmamahal,umaabot sa sakitan sa bawat lalaking nagpaparamdam ng sakit sa isang kaibigan.Pero tama bang sumandal nalang sa barkada habang buhay??.Alam ko may hangganan ang lahat,pero para sa akin magiging huli ang lahat pag hindi ito mararanasan.At alam ko rin na ang bawat kabataan ay may kani-kanilang barkada.Isa lamang ito sa dami kong sayang naranasan noong highschool pa lamang ako sabi nga "HIGHSCHOOL LIFE'' ang pinakamasaya.
akda ni;Catherine Joy Pitero

KAIBIGAN

Ano nga ba ang kaibigan?kaibigang laging nandyan kapag may problema ka? O, kaibigang nandyan lang kapag kailangan ka ?lahat tayo ay may kaibigan sino nga ba naman ang walang kaibigan.Isang kaibigan na laging nandyan kapag may problema ka ,isang kaibigan na laging nandyan kapag may kailangan ka,laging nandyan at sinusuportahan ka sa lahat ng bagay,kaibigang dinadala ka sa kabutihan at hindi sa kasamaan.Kadalasan naman mayroong kaibigan na nandyan lang kapag kailangan ka lumalapit lang kapag may kailangan ka nya,kaibigang dinadala ka lang sa kapahamakan minsan ng dahil sa barkada naliligaw ka ng landas nalululong ka sa masamang bisyo o gumagamit ng masamang gamot na nakakasira sa katawan.
Kaya kailangan nating pumili ng isang kaibigan,kaibigang sa kabutihan tayo dadalhin at hindi sa kasamaan.....
Akda ni;Rowena T. Pumar

Ang Kagandahan ng kalikasan

Paano ba natin nakikit ang kagandahan ng kalikasan? Sa pamamagitan ba ng mga lawa, ilog,bundok at magagandang tanawin? Ngunit bakit marmi pa rin sa atin ang umaabuso sa kagandahan at kalikasan? Bakit patuloy parin ang pagputol ng mga puno sa gubat na nagiging sanhi ng pagbaha? At bakit may kumikitil ng buhay ng mga hayop sa gubat?
Nilikha tayo ng Diyos upang gumawa ng mabuti ngunit bakit pinababayaan natin ang kalikasan na nilikha ng Diyos para sa ating lahat? Baguhin natin ang ating mga sarili, kumilos tayo, para sa ikagaganda ng ating kalikasan sa pagkat pag ito ay napabayaan malaki ang napipinsala nito sa atin.
Asan nga ba ang kagandahan ng kalikasan? Ang kagandahan ng kalikasan ay matatagpun sa ating mga puso, kung ito ay ating iingatan, aalagaan at mamahalin. Simulan natin ngayon sa ating mga sarili sa pagkat kung hindi sa atin, kanino?! Kung hindi ngayon kailan?!......
akda ni: Gladys Rebong

Buhay ng Pilipino noon at ngayon

Paano nga ba mamuhay ang Pilipino noon sa ngayon?
Sabi nila noon daw ang Pilipino ay nabubuhay sa pamamagitan ng sarili nilang pagsisikap at nabubuhay sila sa pagtatanim o pagsasaka. Samantalang ngayon nabubuhay ang ibang mga tao sa paggawa ng masama,tulad ng pagnanakaw, pagkitil ng buhay at paggawa ng mga di dapat gawin sa kanilang mga buhay.
Kaya ikaw,kayo,tayo gumawa ng mabuting bagay habang tayo ay nabubuhay. Nang magkaroon tayo ng maunlad na bayan at pamumuhay. Huwag na natinng tularan ang mga taong katulad nilang gumagawa ng masasama.
Ikaw,ako,tayo bilang kabataan magtulungan,magkaisa para sa pag unlad ng ating kinabukasan.
akda ni: Regine Rello

AKO, IKAW, TAYO BILANG ISANG ESTUDYANTE

Pasukan na naman!!!
Kay sarap pakinggan ang pagdating ng araw na ito. Bawat isa ay may kanya kanyang paghahanda, muli na naman magkikita ang mga magkakaibigan.
Paano nag ba ang buhay bilang isang mag-aaral?
Para sa akin ang pagiging estudyante ay sadyang makabuluhan dahil dito na halos umiikot ang ating buhay at nagsisilbing pangalawa nating tahanan. Ito ay isang pagsubok na dapat natin harapin at may mga tungkulin din tayong dapat gampanan. Ito ay isang malakingresponsibilidad para sa atin.
Masarap ang maging estudyante. Dahil dito hinuhubogpa lang tayo para madagdagan ang ating kaalaman at upang malaman kung hanggan saan ang ating kakayahan. Bukod pa rito ay makakakilala pa tayo ng mga panibagong kaibigan na makakasama natin sa araw-araw at mga guro na matiyagang nagtuturo sa atin na tinuturing natin pangalawang magulang sa paaralan.
Minsan may kalokohan din naman nagagawa. Hindi naman natin maiiwasan yun dahil bahagi na yun ng ating buhay bilang isang estudyante. Kung minsan naman ay hindi natin inaalam kung hanggan saan ang ating limitasyon. Marami na tayong nagagawa na hindi tama, tulad ng pagcucut ng klase para gumimik, mag-inom at ang iba naman ay gumagamit ng pinagbabawal na gamot.
Bakit nga ba may lumalampas sa limitasyon bilang estudyante? Bakit mas marami ang gumagawa ng mali kaysa sa tama? Bakit nga ba may mga estudyante na naliligaw ng landas at pinapabayaan ang kanilang pag-aaral?
Masuwerte pa nga tayo dahil binigyan tayo ng pagkakataon na makapag-aral. Isa na itong malaking oportunidad para sa atin. Marami nga dyan mga musmos pa lang ay naghahanapbuhay na upang sila ay may makain. Hindi rin sila makapag-aral kahit gustuhin man nila dahil sa kahirapan ng buhay. Hindi ba nila naisip ang paghihirap na ginagawa mg kanilang mga magulang upang makatapos sila ng pag-aaral, upang magkaroon ng magandang edukasyon at hindi rin ba nila inuunawa ang mga pangaral at payo na ibinibigay ng ating mga guro.
Ako!!! Inaamin ko mahirap talagang maging isang estudyante. Pero kakayanin ko. Di ba walang mahirap sa taong may pagsusumikap, kailangan lang ng kaunting tiyaga, ayon nga sa kasabihan “kung may tiyaga may nilaga”. Mas mahirap ang walang tinapos.
Mahirap madaliin lahat ng bagay. Ako masyado ko minadali lahat. Kumuha ako ng dalawang taong kurso sa pag-aakala na pagkanakatapos ako ay magagamit ko ang aking napag-aralan. Pero hindi pala, mahirap pala makipagsabayan sa mga apat na taong kurso.Kaya ang binagsakan ko production operator sa isang malaking kompanya.
Nakakatawang isipin di ba, nakatapos ako pero pagiging operator lang yun posisyon na qualified sa akin. Tinanggap ko yun, mahirap din naman kasi na tambay ka lang. Ayoko din naman na umasa pa sa akin mga magulang. Mahirap pero kinaya ko. Hindi ko pinagsisihan na yun ang una kongpinasukan na trabaho dahil don ako natuto.
Kaya heto ako ngayon muling ipinagpatuloy ang aking pag-aaral para mas makahanap ng mas magandang trabaho. Hindi ko na sasayangin ang pagkakataong ito.
Bilang estudyante, okay lang na minsan gumawa tayo ng kalokohan at may karapatan din naman tayo na i-enjoy ang buhay natin bilang isang estudyante. Hindi naman tayo pipigilan na gawin yun. Basta ito lang ang dapat natin isa-isip at tandaan hwag tayong lalampas sa ating mga limitasyon. May mga responsibilidad, tungkulin at patakaran tayong dapat sundin.
Pinag-aaral tayo ng ating mga magulang upang magkaroon tayo ng magandang kinabukasan. Nagsusumikap sila na mapagtapos tayo kahit na napakahirap kaya dapat din tayong magsumikap na abutin ang mga pangarap nila sa atin bilang ganti sa kanila. Dapat din natin bigyan pagpapahalaga ang ating mga guro na matiyagang nagtuturo sa atin, irespeto natin sila katulad ng pagrespeto natin sa ating mga magulang.
Sa mga kapwa ko mag-aaral. Mga bata pa tayo kaya hwag natin sayangin ang mga pagkakataong ibinibigay sa atin upang wala tayong pagsisihan sa huli. Tayo bilang estudyante ay may kanya kanyang tungkulin dapat gawin. Sama-sama natin abutin ang ating mga adhikain upang magkaroon tayo ng magandang edukasyon na maipagmamalaki natin.
akda ni: Jennifer C. Salabsabin

EDUKASYON

Sabi nila ang edukasyon daw ay kayamanang hindi mananakaw ng kahit sino man,Totoo nga ba? Bakit may mga edukadong tao na nagpapanakaw ng kayamanang ito.Meron silang talino pero hindi nila ginagamit.
Mga kapwa ko mag-aaral nais kong ipabatid sa inyo na nag-aaral tayo upang gamitin sa tamang paraan at hindi ipanakaw sa mga taong walang dedikasyon sa edukasyon.Isaalang-alang natin ang hirap at pagod na ating tiniis upang makamit ang yamang ito.
Tulungan natin sila ituon ang kanilang isip sa pag-aaral at huwag sa masamang bisyo at layaw ng katawan.
Hindi matatahimik anhg pamayanan kung lahat ng tao ay walang alam upang madisiplina ang sarili dahil sa kawalan ng edukasyon.
Sabi nga kabataan ang pag-asa ng bayan.Kung ang kabataan ay pag-asa ng bayan,ito ay pag-asa din ng ating sarili kaya nga kabataan mga kabataan,maging prayoridad natin ang edukasyon dahil ito lang ang yaman natin na hindi mananakaw nino man.
Akda ni: Charmine Sugaste

"Sino ang susunod na CORY"

"Ina ng demokrasaya" "Ulirang ina" "Magaling na pangulo" Ilan lamang yan sa tumatatak sa ating isipan pag naririnig natin ang pangalang CORY AQUINO.Ngunit sino nga ba sa tingin natin ang susunod na Cory Aquino? Sa panahon ngayon,mabibilang na tin sa ating sampung daliri ang mga kababaihang mayroong gantong katangian. Bihira na rin ang mga babaeng matapang. Marami na rin ang mga babaeng naaabuso. Unti-uting nauubusan ng pag-asa sa buhay. Kung kaya't kahit ang mga babaeng nasa murang edad pa lamang ay sumasayaw na sa lugar kung san tambayan ng mga lalaking nais lamang ay panandaliang aliw. Isa lamang yan sa mga problema at suliranin ng mga kababaihan. Ngunit hindi rin natin masasabing hanggang ganon na lamang ang kaya ng kababaihan sa sa ngayon. Malay din natin,sa susunod na henerasyon. Baka may susunod pa sa yapak ni "Pang.Cory Aquino"
Akda ni:JOANNE A. TOBIAS

Ang aking Buhay

Ang aking Buhay minsan masaya,minsan malungkot ngunit masarap mabuhay kapag madaming nagmamahal kahit madaming pagsubok man ang dumating sa ating buhay tau ay masaya parin ngunit panu kung ang iyong sarili ay di mo kayang mahalin mahirap magpakatoto sa ating sarili, kaya't dapat nating mahalin ang ating sarili.
Masarap mabuhay lalo na't kasama natin ang mga mahal natin sa buhay dahil sila ating insperasyon, lalo na ang ating mga magulang n sila ang nagbigay sa ating ng magandang kinabukasan o buhay upang mkarating sa buhay n kinakaharap natin ngayon at upang magkaroon na magandang buhay,at ang ating mga kapatid na laging handang tumulong at umalalay sa atin sa mga panahong sila ay ating kailangan.Sa ating buhay dapat may pagkakaisa,pagkakaunawaan,at pagmamahalan dahil kung walang pakakaisa hindi magiging maganda ang ating buhay.
Akda Ni : Kaycee J. Torres

HIMIG

Sa ipod di mo alamkung ano susunod na kanta
parang sa love di mo alam kung sinosusunod mo na mamahalin..
pero anoman ang mangyari dadating parin ito kahit dimo sya gusto
patuloypa rin syang tutugtog,,
kahit pa nga ilipat natin atdi na tayo makahanap na kanta na gusto natin
babalik pa rin sa kantang ayaw natin di ba??
parang sa love iwasan mo man ang taong ayaw mo kung sya talaga para sayo patuloy syang
tatakbo sa buhaymo.di ba??
pero di ba ang kantang iniiwasan natin ngayon ay ang kantang
bumubuhay sa puso natin noon??
ito ang tinatawag na ''THEME SONG''..
THEME SONG na dati'y paulit-ulit nating pinakikinggan at inaawit
pag nasira at nabuwag ang samahang meron kayo at nasaktan ka na taong mahalmo ay ang kanta ring syang
dudurogng puso mo ngayon..
NGAYON KABATAAN MAGANDA AT KASIYA-SIYA BANGMAGKAROON NG ''THEMESONG''????
AKDA NI;LYKA CAMILLE M.VALDEZ

Gabay at Proteksyon para sa Kabataan.

Paano nga ba mapangangalagaan ang mga kabataan?
Paano nga ba mapangangalagaan ang mga kabataan? Marami nang kabataan ang nasisira ang buhay sa maraming kadahilanan... Mga magulang na napapabayaan ang kanilang mag anak, kulang sa atensyon na naibibigay ng mga magulang,mga anak na rebelde,maling pagpili ng kaibigan,dahil sa mga ito kaya naliligaw ng landas ang mga kabataan.... Mga magulang,pamahalaan hanggang kailan nyo ipagpapatuloy ang pag sawalang bahala sa kahalagahan ng mga kabataan sa ating lipunan. Ang kabataan ang pag-asa ng bayan na makakapagpabago ng ikot na mundo sa ating bansa. Nangangailangan sila ng Gabay at Proteksyon galing mula sa inyo, "GABAY"ng isang mapagmahal na magulang na magbibigay kaalaman,disiplina at kahalagahan ng kabataan sa lipunan. "PROTEKSYON"ng isang pamahalaan upang malayo sa masasamang tao,masamang barkada,masamang bisyo at masamang gawain ng mga kabataang napabayaan. Mga Magulang,Pamahalaan at higit sa lahat mga kabataan,Lahat tayo!magkaroon tayo ng pagkakaisa,malawak na unawaan at pagpapahalaga sa bawat isa na matatawag nating"ISANG KABATAANG MAY MAGAGAWA,KABATAANG MAY HALAGA,at HIGIT SA LAHAT KABATAANG MAKAKAPAGPABAGO NG MALING TAKBO,GAWI NG ATING LIPUNANG GINAGALAWAN."
akda ni; Angela Zantua