Monday, August 31, 2009

EDUKASYON

Sabi nila ang edukasyon daw ay kayamanang hindi mananakaw ng kahit sino man,Totoo nga ba? Bakit may mga edukadong tao na nagpapanakaw ng kayamanang ito.Meron silang talino pero hindi nila ginagamit.
Mga kapwa ko mag-aaral nais kong ipabatid sa inyo na nag-aaral tayo upang gamitin sa tamang paraan at hindi ipanakaw sa mga taong walang dedikasyon sa edukasyon.Isaalang-alang natin ang hirap at pagod na ating tiniis upang makamit ang yamang ito.
Tulungan natin sila ituon ang kanilang isip sa pag-aaral at huwag sa masamang bisyo at layaw ng katawan.
Hindi matatahimik anhg pamayanan kung lahat ng tao ay walang alam upang madisiplina ang sarili dahil sa kawalan ng edukasyon.
Sabi nga kabataan ang pag-asa ng bayan.Kung ang kabataan ay pag-asa ng bayan,ito ay pag-asa din ng ating sarili kaya nga kabataan mga kabataan,maging prayoridad natin ang edukasyon dahil ito lang ang yaman natin na hindi mananakaw nino man.
Akda ni: Charmine Sugaste

No comments:

Post a Comment