Monday, August 31, 2009

Lahing Pinoy

“Mga kababayan ko,dapat na malaman nyo bilib ako sa kulay ko,ako ay Pilipino”.Linya sa kanta ng yumaong si Francis Magalona.
“Ipagmalaki mong Pinoy ako Pinoy tayo”.Ng Orange and Lemons na pawang mga Pilipino at tunay na Pinoy. Ilan lang yan sa mga pinasikat na kanta ng ating mga kababayan na tunay namang ipinagmamalaki ang kanilang pagiging puro at dugong Pinoy.
Maraming dahilan kung bakit natin dapat ipagmalaki ang ating lahi.Marami tayong kayang gawin na hindi kaya ng iba,mayroon din tayong kagandahan ng loob na wala din,at higit sa lahat ang pagkakaroon ng magagandang likas na yaman na tayo lamang ang meron.
Ingatan natin ang ating likas na yaman ng lalo itong hangaan ng marami. Ang pagtangkilik sa sariling atin ay dapat natig isagawa.Ng sa gayon,umunlad ang bansang Pilipinas ng mga tunay at masasabi mong Pinoy!.
akda ni: Ariane Latoza

No comments:

Post a Comment