Monday, August 31, 2009

Droga:Ang Ipinagbabawal na Gamot

Ano nga ba ang droga?At ang masamang epekto nito sa tao?Ang droga,isang ipinagbabawal na gamot,na sadyang mapanganib.isipin!Droga ay di solusyon sa mga suliranin.
Ilan sa ating mga tao,ay kung ano pang ipinagbabawal ay sya pa din ang patuloy na ginagawa. Tulad ng droga, tinatawag ngang "bawal na gamot" ngunit bakit bakit patuloy pa din lumalaganap ang nasabing bawal na ito? na kung tutuusin lamang ay di dapat problemahin dahil napakadali lamang ng solusyon kung sadyang bawat isa ay mula't ang isipan, Iwasan! subalit, bakit ganon? Isa ang droga sa malalaking suliranin ng ating bansa. Ginagawan nga ng solusyon ng mga ahensya ng ating gobyerno. Ngunit, ilan buhay pa ba ang masisira?
Alam ba ninyo ang epekto ng droga? sa mga taong gumagamit nito? sinasabing kapag ito'y iyong natikman, mararating ang langit. Subalit anong kalokohang langit ang sinasabi? Sa totoo lang ay impyerno ang iyong patutunguhan, Masisira ang iyong buhay, at magiging masalimuot sa iyo ang bawat oras. Ipagpapalit mo ba ang iyong mga pangarap sa isang gamot na ipinagbabawal?
Adik!!... Iyan ang bansag sa mga taong gumagamit ng droga kabilang na din ang ilang ipinagbabawal na gamot. Tulad ng Coceine,Marihuwana,Syrup at iba pa, na sadyang napakasama ng maidudulot sa pag-iisip at kalusugan ng mga taong makikitid ang isipan na patuloy na gumagamit ng mga ipinagbabawal na gamot na ito.
Kaya nga mga kababayan, Iwasan ang salot na Droga! at iba pang ipinagbabawal na gamot. papayag pa ba tayong kumalat at magkalat ang mga adik? Tama na! Sobra na! Mga adik sukpuin na! .Droga ay lipunin na!......... "Droga: ang ipinagbabawal na gamot".
Akda ni: Michelle P. Morta

13 comments:

  1. Magandang talumpati na kakatulong ito para sa mga kabataan na makakabasa nito para maintindihan nila ang dulot ng pinagbabawal na gamot...

    ReplyDelete
  2. Ok siya pero sabi mo sa talumpati mo madali lang kung mula`t tayo sa ka isipan pero madali ba kung mismong mga korap na opisyal ng ating gobiyerno ang nag bibigay or nag bebenta ng pimagbabawal na gamot...

    ReplyDelete
  3. Hindi ka na man galit sa lagay na yan anu parang ng gagalaiti ka sa galit ahh...

    ReplyDelete
  4. Maliban sa dapat mula`t ang ating kaisipan. Anu pa ang DAPAT NA PARAAN PARA MAIWASAN ANG PAGGAMIT NG PINAGBABAWAL NA GAMOT!!

    ReplyDelete
  5. Paano mo na silulan or na isip na ang gawin mong talumpati ay tungkol sa bawal na gamot?

    ReplyDelete
  6. Good!! ang talumpati mo baka naman ganyan talumpati mo tapos gumagamit ka na man niyan. joke3x lang po.. he3x..

    ReplyDelete
  7. Mag bigay ka pa ng mga paraan para maiwasan ang pinag babawal na gamot. at anu ba ang dapat gawin sa mga kurap na opisyal.. dahil alm na man natin na sila rin ang may gawa niyan.

    ReplyDelete
  8. Dapat nag bigay ka ng mga dahilan kung bakit ang mga kabataan ay na isipan gumamit ng pinagbabawala na gamot. bakit ba nila na isip gumamit ng pinag babawal na gamot??

    ReplyDelete
  9. Panu ba ang dapat gawin upang ang Droga ay masupil.. anu ang dapat gawin ng ating gobyermo at mga mamamayan ng ating bansa...

    ReplyDelete
  10. Magandang talumpati halatang pinag laalan mo ng oras at pinag isipan.. pero dagdagan mo pa ng konti pa ok..

    ReplyDelete
  11. oo sang ayon ako sa talumpating ito,..mas maganda cgurong mababasa ito sa mga taong gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.

    ReplyDelete
  12. Gusto mo ba ng online work?
    Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
    Email me: tirade_uno_23@yahoo.com
    For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/

    ReplyDelete