Monday, August 31, 2009

Malinis Na Halalan

Sa simula pa lamang, lahat tayo'y naghahangad ng malinis at matiwasay na halalan, naghahangad tayo upang ihalal ang karapat-dapat sa nasabing posisyon. Sino ba ang dapat nating ihalal? Ano bang mga batayan, katangian, at tamang hangarin sa pagpili nito?
Sa ganitong usapin, hindi pa rin maiiwasan ang katiwalian dahil sa matinding pagnanasa o pag aasam sa pinaka mataas na posisyon, dahil dito hindi natin maiiwasan ang raly at ibat-iba pang kaguluhan sa harap ng malacanang dahil sa bayad' na paghahalal . Kailangan bang ipilit natin ihalal ang maling tao, kung mismo tayo alam naten hindi iyon magagampanan nang tama?
Huwag tayong matakot at magpaladala sa kinang nang salaping itatapal sa atin upang bilhin ang ating boto, dahil iyon ay sentimo lamang kaysa sa milyon - milyong perang makukurakot nila sa kaban nang ating bansa
Hindi ba kay sarap isipin na mas maiiwasan natin ang kahirapan kung mag hahalal tayo nang tama? Ang taong alam nating kayang gampanan ang mga responsibilidad na kanilang haharapin kapag sila na ang naihalal. Tayong lahat na mga botante ang mas may kapangyarihan kaysa sa kanila dahil sa atin mag mumula ang botong inaasam- asam nila. Huwag tayong mag bingi- bingihan at mag bulag - bulagan sa katotohanan. Ika nga" Vote wisely" po tayo nmga kababayan ko.
Ako bilang isang kabataan na uhaw sa isang tama at malinis na halalan sa ating bansa ay nag nanais at boboto nang tama, tutulong sa abot nang aking makakaya upang mag karoon nang silbi sa ating lipunan.
Kaya't tayo'y magtulungan sa darating na halalan.

AKDA NI:
JANE ROSE C. BRAVO

6 comments:

  1. paano k nagsimula sa talumpati?sa tingin mo isa ba itong talumpati?bb.grace

    ReplyDelete
  2. _hi....
    CuTe aMAN NITO...
    pATAMA..AUS yaN...
    kiP uP POW..

    ReplyDelete
  3. Pa Copy po ahh. Gamitin ko po sa Talumpati namin sa School.
    Salamat po :">

    ReplyDelete
  4. pa copy po huh gamitin ko sa school maraming salamat po

    ReplyDelete
  5. Please. Let me se some portions of this Talumpati.
    Marami kasi ang gusto kong mga salitang ginamit kaya sana po hayaan niyo akong gamitin rin ito para sa pag-aaral.

    ReplyDelete
  6. Please let me borrow this.. Thanks!

    ReplyDelete