Monday, August 31, 2009

Buhay, dapat bang pahalagahan?

Buhay? ano ba ang halaga ng buhay sa bawat kabataang tulad ko?
Isa ka bang kabataan na sinisira ang buhay o iasa ka sa katulad kong nagpapahalaga sa buhay, kung isa ka sa kabataan sinisira ang buhay, tama ba na ikaw ang binigyan ng buhay ng Diyos?
Ang buhay na walang kwenta sayo, dapat sana'y nasa taong may pagpapahalaga dito. Dahil kung nasa iyo ito na walang pagpapahalaga dito, ito ay mawawalan ng saysay.
Mga kapwa ko kabataan, dahil hawak natin ang ating buhay, gamitin natin ito sa magandang paraan upang magkaroon ng halaga at saysay ang buhay na pinagkaloob sa atin ng Diyos.
Ating tandaan, Hiram lang ang buhay, kung hindi natin ito bibigyang halaga at iingatan, mawawalan ito ng saysay.
Kaya mga mahal kong kabataan, mahalin natin ang ating buhay na siyang magdadala sa rurok ng tagumpay........
akda ni:Jaileen Estrada

1 comment:

  1. maganda yung simula ang kao biglang nawala yung ganda sa bandang MGA KAPWA KABATAAN....GETS?kulang sa bahaging iyon..sana gumamit ka ng mga pahayag pra madagdagan pa..bb.grace

    ReplyDelete