Monday, August 31, 2009

Sariling Wika_Ang Filipino

"Tayo 'y mga Pinoy tayo 'y hindi Kano...huwag kang mahihiya kung ang ilong mo ay..."
Isang linya lamang ito sa awitin na halimbawa ng pagkamakabayan. pero sa awit lang ba natin maipapahayag at maipapakita na mahal natin ang sariling bansa? Syempre hindi,napakadaming bagay at paraan diba?
Noong buwan ng Agosto pinagdiwag natin ang buwan ng pambansang wika sa temang"Ang Wikang Filipino mula Baler at Buong Pilipinas"napaka laking bagay para sa lahat ang magkaroon ng wikang pambansa,dahil ito ang pangunahing gamit nating mga pilipino sa arawaraw na ating pakikipagkomunikasyon. Isapa madali makakausap at maiintindihan ang ating mga kababayan dahil sa wikang ito.
Ngunit hindi lamang ngayong Agosto natin dapat isaalang-alang ang paggamit ng sariling wika? Nararapat lamang na sa araw--araw na tayo'y nabubuhay ay pahalagahan natin ang ating wika.
Ayon nga kay Dr.Jose Rizal, "Ang di magmahal sa sariling wika ay higit pa sa malansang isda." Mahalin,pahalagahan at pagyamanin pa natin ang sariling wika_Ang Wikang Filipino...
AKDA ni:Bb.ARRIANE R. LLARENA

No comments:

Post a Comment