Monday, August 31, 2009

"Sino ang susunod na CORY"

"Ina ng demokrasaya" "Ulirang ina" "Magaling na pangulo" Ilan lamang yan sa tumatatak sa ating isipan pag naririnig natin ang pangalang CORY AQUINO.Ngunit sino nga ba sa tingin natin ang susunod na Cory Aquino? Sa panahon ngayon,mabibilang na tin sa ating sampung daliri ang mga kababaihang mayroong gantong katangian. Bihira na rin ang mga babaeng matapang. Marami na rin ang mga babaeng naaabuso. Unti-uting nauubusan ng pag-asa sa buhay. Kung kaya't kahit ang mga babaeng nasa murang edad pa lamang ay sumasayaw na sa lugar kung san tambayan ng mga lalaking nais lamang ay panandaliang aliw. Isa lamang yan sa mga problema at suliranin ng mga kababaihan. Ngunit hindi rin natin masasabing hanggang ganon na lamang ang kaya ng kababaihan sa sa ngayon. Malay din natin,sa susunod na henerasyon. Baka may susunod pa sa yapak ni "Pang.Cory Aquino"
Akda ni:JOANNE A. TOBIAS

No comments:

Post a Comment