Monday, August 31, 2009

JOSE P. LAUREL: Pamana ng lahi

Sa isang panahong ang lahi ay may lambong ng dilim, dumating siyang liwanag ng bukas. Sa isang panahong nagkalat ang mga bangkay, lugami ang lahi sa kuko ng isang digmaang hindi natin kagagawan, dumatal siyang mapagkalingag puno.
Sa isang panahong ang lahi'y walang tinig, siya'y naging tinig ng pambansang diwa sa lungsod, patag, bundok at dagat.
Jose P. Laurel: haligi ng bansa, mapagkalingang guro, tinig ng batas at hukuman, makabayang diwa at gabay ng katotohnan para sa Pilipino at para sa sangkatauhan.Buhay sa kanya ang diwa ngkilusang propaganda, ang moog ng katipunan at ang simulain ng pagtayo para sa kalayaan na pamana ng mga bayani ng lahi. Tayo'y naging lahi ng pagiging kayumangging kanluanin, isang pilipinong dinidiyos ang anumang dayo at dinudusta ang sarili.
Sa pagiging matibay na haligi ng bansa ,ipinaglaban niya ang pagbabanyuhay ng pag-kapilipino.Masdan ang ating panahon sa Inang -Bayan. Bulkang sumasabog, bagyong nananalanta, lindol na nagwawasak, baha na lumulunod, tagtuyot na nagpapahirap. welga at kudeta, karahasan at kriminalidad.
Tangig pag-ibig sa tinubuang lupa, pananalig sa diyos at sarili, pagkakapit bisig ng buong bayan na diwang pamana ni JOSE P. LAUREL ang dapat na lunday.Ito ang pamana ng lahing walang kamatayan, mananatiling liwanag, magiging gabay na tinig, landas at lakas ng buhay, sandatang gagamitin ng lahi para sa isang bukas na malaya at matatag.
Patnubayan tayo ng maykapal.
akda ni: Kristel Balayong

1 comment:

  1. maganda!correct me if i am wrong "kaw ba talaga ang gumawa ng iang ito?'bb.grace

    ReplyDelete