Monday, August 31, 2009

Ang Kalikasan

Ang kalikasan ay itinuturing natin na bigay ng panginoon, na dapt na alagaan at pagyamananin. Dahil sa mga mabubuting bagay na naidudulot at ibinibigay nito, dapat natin itong pangalagaan para din sa ikaliligtas ng sanlibutan. Dahil sa dami ng sakit ng kalikasan, Dahilan ng maraming toxic waste na itinatapon ng mga tao: Tulad ng kemikal na galing sa mga pabrika na dumadaloy na agad o ang bagsak na nito ay sa mga dagat at tulad din ng mga pabrika na sobra-sobra sa usok.Di ba nila naiisip na ang ating ozone layer ay napakanipis na at sirang sira na. kaya naman dumarami na ang sakit ng kalikasan. Kung mapapansin natin ang ang panahon at paligid ngayon at noon, Tignan ninyo ang maramin pagkakaiba sa dame na kasi ngayon ng mga HIGHTECH na bagay na nakakasira sa paligid. Tulad ng vehicles na sobra-sobra ang inilalabas na usok . at ang dinamitang ginagamit sa pangingisda na hindi nila namamalayan na nasisira nila ang mga coral reefs sa ilalim ng dagat.Kaya gumagante ang kalikasan, ito ay ang pagdudulot nya sa atin ng kalamidad , kaya sana ay pansinin na ito ng mga tao para di na masira ang mundo at para sa susunod na mga henerasyon maging maayos na ang kapaligiran para makita nila ang tunay na ganda ng kalikasan.
Akda ni: Roshel Caranza

1 comment:

  1. anong kalikasan ang tinutukoy mo?sana nagbigay k ng mga halimbawa tulad ng mga kagubatan,kabundukan,yaman tubig..para nang sa ganoon ay mas nakita nila ang pagkakaiba sa kagubatang nais mo at sa kagubatan na sinasabi mo sa talumpati mong madumi at wasak..diba?bb.grace

    ReplyDelete