Monday, August 31, 2009

Maibabalik pa ba?

"Ang mga puno't halaman bakit kailangang lumipas."Yan ang isang linya sa aking paboritong kanta.Bakit nga ba lumilipas ang magagandang tanawing ito?Kung tayo'y babaklik sa nakaraan,ano ba ang ating makikita?Oo,isang magandang daigdig na puno ng maliligayang tao.
Ang mga puno sa tabi ay hitik sa bunga,ang tubig sa balon ay naiinom,kaysarap langhapin ang sariwang hangin,kaysarap mabuhay noon...Pero ano na nga ba talaga ang kalagayan ng inang kalikasan?Nakalulungkot maraming tao ang umaabuso sa ating kalikasan.Wala silang pakundangang pumuputol ng puno,nagtatapon ng basura sa ilog,mga usok ng mga pabrika pati ang ozone layer ay sira na rin at nagpangyari sa global warming!Ano ang nangyayaring ito?Tunay na napahamak na ang daigdig.Sino ang salarin?Sino ang dapat sisihin?Itanong mo sa iyong sarili at ikaw ang nakakaalam,Miski sa mga simleng paraan pwede kang tumulong para maiwasan ang pagkasira ng ating planeta,May magagawa ka,ikaw mismo!Alam ko na inaasam nyo rin naging paraiso ang lupang ito,oo tunay na ganito ang gusto ng ating Maylalang.
Akda ni:Pearly de Leon

1 comment:

  1. haha..maganda..may mga patunay..may mga ebedensiya..yun nga lang sana nadagdagan mo pa..bb.grace

    ReplyDelete