Monday, August 31, 2009

Ano nga ba ang mas Mahalaga?

Kagandahan ito nga ba ang batayan ng ating pagkatao? Marami ang tumitingin sa panlabas na anyo ngunit di nila batid ang laman ng puso. Ako ay babae rin gustong gumanda hangaan at ipagmalaki rin naman. Pangarap ko ang maging sikat, maging tanyag pero ito nga ba ang basehan upang ako ay lumigaya?
Nakakalungkot sa ganitong saloobin, kaya naman nalaman ko na ang pagiging kuntento ang susi sa tunay na kaligayahan hindi sa paghahangad na maging myaman, maging tanyag o maging maganda. Mahal ko ang sarili ko, gusto ko ang meroin ko at inaasam ko na maging kuntento rin kayo.
Masayang mabuhay, masarap kasama ang ating mga mahal kaya samantalahin ang pagkakataon hindi sa mga ilusyon kundi sa  tunay na kahulugan ng buhay.
akda ni: Diane Arizala

Edukasyon:para sa kinabukasan

Gaano nga ba kahalaga ang edukasyon? at ano nga ba ang kaugnayan nito sa ating kinabukasan? Maaaring ngayon di mo pa lubos na naiisip .Bilang isang mag-aaral ano nga ba ang iyong pananaw.
Madalas sinasabing ang edukasyon ang daan patungo sa kaunlaran. Tama! totoo iyan! kahit mahirap kung sasamahan naman ng sikap tiyak iyong makakaya. Marami dyan gustong mag-aral subalit wala naman pangtustos ang mga magulang. Pero ikaw! kayo! Andyan kayo sa paaralan. Pinag-aaral! Iginagapang ng mga magulang mapaf-aral lang at mabigyan ng magandang kinabukasan.
Alam nyo bang napaka halaga talaga ng edukasyon sa ating buhay.Dahil dito natuo tayong sumulat, at bumasa.Magpasalamat tayo at hindi tayo kabilang sa mga mangmang na nabubuhay sa ating digdig. Ang mga Guro na nagpoporsige para tayo'y matuto, Pahalagahan natin! makinig tayo! at buksan ang isipan dahil ito'y para din sayo.
Kung ang bawat isa sa ating ma mamamayan ay mayroong edukasyon siguradong uunlad ang ating bayan.Magkakaroon ng mga magagandang oportunidad at trabaho ang bawat tao, wala ng magugutom! wala ng maghihirap! Ngunit sa reywlidad anong nangyayari sa ngayon? Naghihirap ang ating bansa,at madalang ang nakakapag tapos ng pag-aaral.Kaya pagbutihin ng mga estyudyaneng nakakapag-aral , Imulat ang mga mata! dahil ito ay para din sa ating ikauunlad. Magsikap! Tandaan! Edukasyon:paera sa kinabukasan".
Akda ni: Roselyn L. Guico

TALUMPATI PARA SA MAHIHIRAP

isa sa malaking pinoproblema ng bansa ay ang "kahirpan." Higit nga raw na makapangyarihan amg mayayaman kaysa mahirap ,mas paghihinalaang kriminal ang mahirap kaysa mayaman
matagal mangyaring mahirap ay aahon sa kahirapan.ngunit mas matagal mangyaring mayaman ay lulubog sa kahirapan.Ang mayayamang tao ang gumagamit sa pera ,ngunit sa ibang taong naghihirap,sila na ang ginagamit ng pera.
Nakalulungkot isiping mas gugustuhin pa ng taong naghihirap ang mamatay ng di namamalayan kaysa mamatay sa gutom ng nahihirapan. Mas may posibilidad pa raw na manalo ang mayaman sa kaso,dahil ang mahirap ay walang kapangyarikan at di mapagkakatiwalaan kahit walang kasalanan,nakakaawang mga namumuhay lamang.Masuwerte na ang taong kumakain ng tatlong beses sa isang araw.Maraming taong walang permanenteng trabaho at hindi matanggap sa trabaho,dahil hindi nakatapos ng pag-aaral.Karamihan sa naghihirap ay walang makain at hindi makatuntong ng paaralan kaya't umaasa sa salitang "may pera sa basura"o sa marahas na paraang kumapit sa patalim.
Kaya't ating isipin ang kalagayan ng ating kapwa,masuwerte na tayo kung 'di tayo naghihirap,kaya't paalalasa kabataan... pagbutihin ang pag-aaral nang 'di danasin ang kahirapan.Tayo'y maglingkod sa Bayan,tayo'y tumulong sa kababayan nang matalo ang kahirapan,upang kinabukasa'y umunlad ang bayan.
akda ni: Angelito L.Moreno

WIKA

Maluwalhating umaga sa Inyo mga kapwa Pilipino, Purihin si Hesus at si Maria!
Wikang Filipino, wika ng bawat Pilipino. Ikaw, ako, tayo.. iisa. Sa mundong pilit kang binabago, may nananatili pa nga bang matatag? Tila marahil sa pagdaan ng panahon tayo ata ay nakalilimot ng lumingon sa ating pinanggalingan, nakatikim lang ng Hershey’s chocolate, nakalimutan na ang Chocnut, nakapagsuot lang ng sa Rusty Lopez, nalimutan na ang sapatos na gawang Marikina, at nakapunta lang ng ibang bansa, tila ayaw ng umuwi at kinamumuhian na ang sariling bansa, natuto lang mag ingles, hindi na marunong mag Filipino. Tama, nakalulungkot mang isipin ngaunit iyon ang katotohanan,katotohanang dapat natin harapin at pagtuunan pansin, kung minsan nga’ y nahihiya pa natin mag Filipino kaya nga’t kahit mali ang grammar at nagbubuhol-buhol na ang dila pinipilit parin mag ingles.
Mahabang kasaysayan ang pagkakaroon ng wikang pambansa sa Pilipinas - ang Pilipino na nagmula sa Tagalog na pagkaraa’y naging Filipino.
Ating muling sariwain ang pinagmulan ng wikang Filipino.sa bayan ng Baler, Quezon sumibol ang amang naging instrumento upang magkaroon tayo ng sariling wika, siya ay si Manuel L. Quezon, dating pangulo ng Pilipinas, tinaguriang Ama ng wikang Pambansa.
Nang itatag ang Komonwelt, nagkaroon ng malaking hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang wikang pambansa. Noong Disyembre 30, 1937, inihayag ni Pangulong Quezon na ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Tagalog at nang naglaon ay naging Pilipino sa ilalim ng Kautusang pang edukasyon Blg 7.
Ang wika ay isang mahalagang aspeto ng bawat kultura. Kasangkapang ginagamit ng lahat ng antas ng tao sa lipunang kinagagalawan. Isang indikasyon na ikaĆ½ isang tunay na Pilipino.
Tunay ngang masasabing kayamanan ang pagkakaroon ng sariling wika, Ang wikang Filipino ang ginagamit natin tungo sa pambansang kaunlaran. Wikang ating kasangkapan sa pagkakaunawaan at pagkakaisa ng mga mamamayang Pilipino saan mang panig ng Pilipinas.
Talaga ngang wala ng ibang magmamahal sa Wikang Filipino, kundi tayo ring mga Pilipino, kaya’t halina’t pagyabungin natin ang isa sa mga pinaka-iingatang yaman ng ating bansa Ang wikang Filipino. Wika Mo, Wika ko, at Wikang nating Lahat.
Maraming Salamat sa inyong pagbasa at naway mamutawi sa ating mga puso ang pagiging tunay na mamamayan ng bansang Pilipinas. Muli, Maraming Salamat.
Akda ni:Grandeson Puma

Kalikasan:Pangalagaan at Ingatan

Paano nga ba mapangangalagaan ang kalikasan? at Paano ito mas mapagyayaman? Isang napakalaking katanungan.
Kung kalikasan lamang ang pag-uusapan tiyak hindi tayo madedehado. Sapagkat madame tayong mga maipag mamalaking mga magagandang tanawin. ngunit sapat na ba ito? hindi bat dapat ay Pangalagaan natin ito at pagyamanin? Dahil ang iba walang pakialam! mga abusado! at sinisira ang kalikasan!. tulad na lamang sa ating kagubatan, pumuputol sila ng sangkatutak na kahoy na di naman pinapalitan,at sa ating yamang tubig, halimbawa na lamang na ilog pasig. na dati;y kulay berde ngayon ay itim na! napakadumi. ngayon, matatawag pa bang kalikasan?
Maari naman natin pangalagaan ang ating kalikasan kahit sa simpleng paraan lamang, Itapon ang basdura sa basurahan at kung puputol na puno ay agad palitan. Mayroon naman tayong makakatuwang. Ito ay ang DENR o Department of Environment and Natural Resources na isang ahensya ng pamahalaan na itinalaga upang pangalagaan ang ating kalikasan.
Alam ba ninyong ang kalikasan ang pangunahing pinagkukunan ng ating mga pangangailangan,Kaya nararapat lamang na ito'y ating suklian.Hindi bat kaysarap manirahan sa isang kapaligirang mayroong kalikasan? kaya kilos! ako mismo, ikaw mismo! ma magagawa...... "Kalikasan:Pangalagaan at Ingatan".
Akda ni: Rachel Alarcon

JOSE P. LAUREL: Pamana ng lahi

Sa isang panahong ang lahi ay may lambong ng dilim, dumating siyang liwanag ng bukas. Sa isang panahong nagkalat ang mga bangkay, lugami ang lahi sa kuko ng isang digmaang hindi natin kagagawan, dumatal siyang mapagkalingag puno.
Sa isang panahong ang lahi'y walang tinig, siya'y naging tinig ng pambansang diwa sa lungsod, patag, bundok at dagat.
Jose P. Laurel: haligi ng bansa, mapagkalingang guro, tinig ng batas at hukuman, makabayang diwa at gabay ng katotohnan para sa Pilipino at para sa sangkatauhan.Buhay sa kanya ang diwa ngkilusang propaganda, ang moog ng katipunan at ang simulain ng pagtayo para sa kalayaan na pamana ng mga bayani ng lahi. Tayo'y naging lahi ng pagiging kayumangging kanluanin, isang pilipinong dinidiyos ang anumang dayo at dinudusta ang sarili.
Sa pagiging matibay na haligi ng bansa ,ipinaglaban niya ang pagbabanyuhay ng pag-kapilipino.Masdan ang ating panahon sa Inang -Bayan. Bulkang sumasabog, bagyong nananalanta, lindol na nagwawasak, baha na lumulunod, tagtuyot na nagpapahirap. welga at kudeta, karahasan at kriminalidad.
Tangig pag-ibig sa tinubuang lupa, pananalig sa diyos at sarili, pagkakapit bisig ng buong bayan na diwang pamana ni JOSE P. LAUREL ang dapat na lunday.Ito ang pamana ng lahing walang kamatayan, mananatiling liwanag, magiging gabay na tinig, landas at lakas ng buhay, sandatang gagamitin ng lahi para sa isang bukas na malaya at matatag.
Patnubayan tayo ng maykapal.
akda ni: Kristel Balayong

Malinis Na Halalan

Sa simula pa lamang, lahat tayo'y naghahangad ng malinis at matiwasay na halalan, naghahangad tayo upang ihalal ang karapat-dapat sa nasabing posisyon. Sino ba ang dapat nating ihalal? Ano bang mga batayan, katangian, at tamang hangarin sa pagpili nito?
Sa ganitong usapin, hindi pa rin maiiwasan ang katiwalian dahil sa matinding pagnanasa o pag aasam sa pinaka mataas na posisyon, dahil dito hindi natin maiiwasan ang raly at ibat-iba pang kaguluhan sa harap ng malacanang dahil sa bayad' na paghahalal . Kailangan bang ipilit natin ihalal ang maling tao, kung mismo tayo alam naten hindi iyon magagampanan nang tama?
Huwag tayong matakot at magpaladala sa kinang nang salaping itatapal sa atin upang bilhin ang ating boto, dahil iyon ay sentimo lamang kaysa sa milyon - milyong perang makukurakot nila sa kaban nang ating bansa
Hindi ba kay sarap isipin na mas maiiwasan natin ang kahirapan kung mag hahalal tayo nang tama? Ang taong alam nating kayang gampanan ang mga responsibilidad na kanilang haharapin kapag sila na ang naihalal. Tayong lahat na mga botante ang mas may kapangyarihan kaysa sa kanila dahil sa atin mag mumula ang botong inaasam- asam nila. Huwag tayong mag bingi- bingihan at mag bulag - bulagan sa katotohanan. Ika nga" Vote wisely" po tayo nmga kababayan ko.
Ako bilang isang kabataan na uhaw sa isang tama at malinis na halalan sa ating bansa ay nag nanais at boboto nang tama, tutulong sa abot nang aking makakaya upang mag karoon nang silbi sa ating lipunan.
Kaya't tayo'y magtulungan sa darating na halalan.

AKDA NI:
JANE ROSE C. BRAVO